MANILA, Philippines – Napatay ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), habang isa ang naaresto matapos makasagupa ng tropa ng militar sa liblib na lugar ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi naitala ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng Army’s 1st Special Forces Battalion (SFB) at ng NPA rebels sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Kagawasan, Kibawe.
Ayon kay Captain Joe Patrick Martinez, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID), na may concerned citizens ang nagbigay ng tip sa tropa ng mga sundalo sa presensya ng grupo ng mga rebelde na nangongotong.
Paparating pa lamang ang mga sundalo ay agad na pinaputukan ng mga rebelde na nauwi sa bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng 40 minuto na ikinasawi ng isang rebelde, isa ang naaresto.