MANILA, Philippines – Patuloy ang pagpalo sa mga nasakote ng mga otoridad sa gun ban na umaot na sa 80 katao na habang nasa 60 mga baril ang nasamsam sa inilatag na mga checkpoint sa mga istratehikong lugar sa bansa kaugnay ng gaganaping pambansa at lokal na halalan sa Mayo ng taong ito.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, simula nang ipatupad ang election gun ban noong Enero 10 hanggang sa kasalukuyan ay nasa 80 katao na ang nahuli sa paglabag.
Ang gun ban ay tatagal hanggang Hunyo 8 o isang buwan matapos mailuklok ang mga nagwaging kandidato.