MANILA, Philippines – Tumirik ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) na ikinainis ng maraming pasahero dahil pinababa sila sa Blumentrit LRT Station kahapon ng umaga.
Nabatid sa pamunuan ng LRTA na dakong alas-9 ng umaga nang tumirik ang isang tren ng LRT sa Blumentrit Soutbound dahil air pressure.
Ayon sa report, magmula sa Roosevelt Avenue sa Quezon City ang tren na patungong Baclaran nang biglang tumirik pagsapit sa nasabing lugar kaya pinababa ang mga pasahero.
Hinatak na lamang pabalik sa LRT-1 depo ang bagon kaya na-clear ang riles at muling nag-resume ang operation.
Nabatid na mula noong Lunes ay tatlong beses nang nagkaaberya ang biyahe ng LRT dahil sa pagbaba ng air pressure.