P18-B utang ipamamana ni P-Noy sa next admin
MANILA, Philippines – Ilang buwan na lamang ang nalalabi sa termino ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III subalit magpapamana pa ito ng US$ 400-M (P18-B) na utang mula sa Asian Development Bank (ADFB) para suportahan ang kontrobersyal na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) o Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay matapos ihayag kahapon ni ADB President Takehiko Nakao na inihahanda na nila ang US$400-milyon soft loan o utang na may mababang interes lamang.
Sinabi ni Nakao na ang pautang ay financial support ng ADB para maipagpatuloy ang CCTP sa susunod na administrasyon.
Kaugnay nito, inihayag ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ang panibagong utang sa ADB ay babayaran ng pamahalaan sa loob ng 25-taon.
Nauna ng umutang ang administrasyong Aquino ng US$400-milyon sa ADB habang US$450-milyon naman ang ipinautang ng World Bank.
Iginiit ni Soliman na ang nasabing mga utang ay nagastos sa mahigit 900-K pamilyang benepisyaryo ng nasabing programa.
- Latest