MANILA, Philippines – Nangako si Vice President Jejomar Binay na patuloy niyang ipupursige ang magandang relasyon sa mga bansa sa Gitnang Silangan na siyang tahanan ng mahigit 2.7 milyon overseas Filipino workers.
Sinigurado din ni Binay sa mga Pinoy workers na kapag siya ang nahalal na pangulo ng bansa ay magiging prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng trabaho sa bansa upang sa ganun ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay isa na lang pagpili at hindi na pangangailangan.
Ipinangako rin ni Binay na patuloy niyang palalakasin ang pagbibigay ng tulong sa mga OFW na nahaharap sa mabibigat na kaso at lilikha rin ng isang special government office na tutulong sa mga pamilya na ang kaanak ay nahaharap sa mabibigat na kaso o “blood money”.
Sa Abu Dhabi, ay nagkaroon ng magandang pag-uusap si Binay at Crown Prince of Abu Dhabi and Deputy Supreme Commander of the UAE’s Armed Forces, Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa loob ng kalahating oras at nais rin nito na bumisita sa Pilipinas sa hinaharap.
Idinagdag pa ni Binay na napag-usapan din nila ng Crown Prince tungkol sa pag-i-invest nito imprastraktura sa Pilipinas at nagpapasalamat ito sa mga Filipino na nakatira at nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Pagkatapos sa Crown Prince ay inimbitahan si Binay ni UAE Labor Minister Shaqr Ghobash sa isang miting at napag-usapan nila ang bagong tatlong labor decrees at ang status ng negosasyon sa Memorandum of Understanding on Labor and on Household Service Workers (HSWs) Unified Contract.