MANILA, Philippines – Mistulang nasorpresa ang 92 tauhan ng PNP-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) nang magsagawa ng on the spot random drug testing kahapon sa Camp Crame.
Ayon kay PNP-AIDG Chief of Staff P/ Senior Supt. Leonardo Suan, ang hakbang ay upang matiyak na malinis o walang gumagamit ng droga sa kanilang mga tauhan lalo pa nga at ang kanilang hanay ang sumusugpo kontra sa bawal na gamot.
Ang random drug test ay regular na ginagawa ng kanilang tanggapan bilang bahagi ng disiplina at pagiging propesyunalismo sa serbisyo.
Mayroong nilagdaang kasunduan ng pumasok ang mga ito sa PNP-AIDG na dapat boluntaryong sumailalim sa drug test ang isang tauhan kapag pinaghihinalaan o may senyales na gumagamit ang mga ito ng illegal na droga.
Nagbabala naman ang opisyal na sakaling mapatunayang guilty sa paggamit ng illegal na gamot ay sisibakin ito sa serbisyo at kakasuhan pa.