SC: EDCA naaayon sa batas

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito’y matapos 10 mahistrado ng Korte ang bumoto pabor sa constitutionality ng naturang kasunduan sa unang en banc session nito kahapon.
Apat namang mahistrado ang bumoto kontra sa legalidad ng EDCA at nag-inhibit si Justice Francis Jardeleza.

Ipinaliwanag ni SC spokesperson Theodore Te na pinagtibay ng Korte suprema ang legalidad ng kasunduan alinsunod sa Art. 18, Sec. 25 ng 1987 Constitution.
Samantala, hindi rin si­nang-ayunan ng Korte Suprema ang posisyon ng Senado na dapat aprubado ng mga senador ang kasunduan.

Matagal na umanong kinikilala ng Korte suprema ang kapangyarihan ng Pa­ngulo na pumasok sa isang executive agreement na hindi kinakailangan ng pag-apruba ng Senado.

Ikinatuwa naman ng Estados Unidos ang desisyon ng Korte at batay sa pahayag na inilabas ng US embassy, sinabi nitong pagtitibayin ng desisyon ang bilateral relationship ng dalawang bansa.

Show comments