MANILA, Philippines - Binalasa ng liderato ng PNP ang nasa 740 police commanders kaugnay ng pagsisimula ng election period para sa nalalapit na pagdaraos ng pambansa at lokal na halalan sa Mayo ng taong ito.
Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor ang mga binalasa na nasa 740 Police Unit Commanders ay inilipat ng destinasyon matapos na sumobra na sa 2 taon ang tour of duty ng mga ito sa kanilang tungkulin.
Hakbang ito upang maiwasan na maimpluwensyahan ang mga ito ng mga pulitiko partikular na ang mga kandidato sa eleksyon.
Base sa accounting ng mga police officers na humahawak ng mga matataas na posisyon sa iba’t ibang level ng command ay sobra na sa 2 taong tour of duty and 740 PNP unit commanders kaya dapat na ang mga itong ilipat ng destino tulad ng 25 Provincial Directors, 9 na City Directors, 27 Commander ng Provincial Maneuver Units, 147 Chief of Police at 532 iba pang mga opisyal na humahawak ng mga sensitibong puwesto.