MANILA, Philippines - Muling sinopla ng tanggapan ng Ombudsman ang hiling ni detained Senator Jinggoy Estrada na makapagpiyansa kaugnay ng kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam matapos na ito ay muling ibasura.
“We welcome this as good development and I extend my congratulations to our prosecutors, ths is in line with my advocacy to whip the corrupt into line.” pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Sa 215-pahinang resolusyon, nanindigan ang Sandiganbayan 5th Division na may matinding ebedensiya upang maidiin sa naturang kaso si Estrada kayat ibinasura ang kanyang bail petition.
Naiprisinta ng Ombudsman ang mga expert witnesses mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Budget and Management (DBM), Commission on Audit (COA), Field Investigation Office (FIO), local officials na sinasabing dapat na benepisyaryo ng proyekto at whistleblowers na sina Ruby Tuason, Benhur Luy, Mary Arlene Baltazar, Marina Sula at Merlina Suñas.