Pananampalataya susi ng pagkakaisa, pagasa sa marami - Tolentino
MANILA, Philippines – Nakiisa sa nakalipas na pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno si safety advocate Francis Tolentino na tumatakbong senador at naniniwala sa mga milagrong naidudulot ng pananampalataya.
“Our Catholic faith brings us to one destination. We are here to express our gratitude to our beloved Nazareno for making the impossible possible,” saad ni Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na ang pakikiisa sa prusisyon ay bahagi ng debosyon sa Nazareno na nagbibigay pagasa sa marami.
Ang mga deboto ay nagmula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at bawat isa ay may kanya-kanyang kwento kung paano nahahaplos ng Nazareno ang kanilang buhay.
Ayon naman kay sociology professor Josephine Aguilar-Placido, ang mga aktibidad ng mga deboto na bagama’t sa ilan ay tinatawag na fanatacism ay pagpapahayag ng pananampalataya.
- Latest