^

Police Metro

Gamit ang social media... kandidato binalaan sa dirty tricks

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Phi­lippine National Police (PNP) sa mga kandidato na kakasuhan nila  ang mga ito kung gagamit ng dirty tricks  o paninirang puri laban sa kanilang mga katunggali sa pamamagitan ng social media.

Kaya’t pinayuhan nila ang mga kandidato na maghinayhinay sa gitna na ng umiinit na election fever sa bansa na gagana­pin sa May 2016 national elections kung saan matindi ang siraan ng kredibilidad ng mga kandidato.

Sinabi ni  PNP-Anti -Cybercrime Group (PNP-ACG) Spokesman Chief Inspector Jay Guillermo na basta may reklamo ay maaari nilang imbestigahan ang mga dirty tricks o pambabato ng putik ng mga kandidato sa pamamagitan ng social media kaya dapat mag-isip-isip muna ang mga kandidato.

Ginawa ni Guillermo ang babala sa gitna na rin ng malaking posibilidad na gamitin ng mga kandidato ang kanilang paninira sa reputasyon ng  kanilang mga katunggali o kapwa kandidato sa social media tulad ng facebook, Instagram, tweeter, Friendster at iba pa.

Anya, dapat pag-inga­tan ng mga kandidato ang kanilang mga ipinoposteng mensahe, video, larawan at iba pa kontra sa kanilang mga katunggali at handa silang tumanggap ng reklamo na maituturing na ‘one step higher’ sa bigat ng kasong libelo.

Binigyang diin nito na  maari nilang imbestigahan ang isang paninirang puri laban sa isang tumatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno kabilang na dito ang mga kandidatong Pangulo.

Kabilang sa mga paninira ay kung gawin ng isang kandidato na katawatawa na makakasira sa pagkatao nito at kredibilidad bilang isang aspiranteng public servant.

ACIRC

ANG

ANYA

BINIGYANG

CYBERCRIME GROUP

FRIENDSTER

GINAWA

KANDIDATO

MGA

NATIONAL POLICE

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR JAY GUILLERMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with