12-anyos dinos-por-dos ng magsasaka

MANILA, Philippines – Pinaghahataw ng kahoy na dos-por-dos ang isang 12-anyos na dalagita na itinago sa pangalang Vanessa ng isang magsasaka na pininiwalaang sinapian ng masamang espiritu kamakalawa sa lalawigan ng Kalinga.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na kinila­lang si Gassat Sagingit, 30, residente ng Tulgao West, Tunglayan, Kalinga.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay nag-iisa ang biktima sa bahay at naghahanda ng hapunan nang biglang pumasok ang suspek at walang kaabog-abog na hatawin ng kahoy na dos-por-dos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang bumagsak ang dalagita ay mabilis na tumakas ang suspek.

Show comments