Ex-brodkaster na hit and run

MANILA, Philippines – Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 38-anyos na dating brodkaster matapos matumba sa minamanehong motorsiklo at nahagip ng isang kotse kamakalawa ng gabi sa Purok Riverside, Barangay Sto. Niño, Koronadal City, South Cotabato.

Ang nasawi ay kinilalang si Romelo “Meloy” Sustituido, political officer ng governor’s office at residente ng Barangay San Jose, Koronadal City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:45 ng gabi ay galing ang biktima sa downtown area sa lungsod at tinatahak ang provincial road pauwi sa kanilang tahanan.

Nang aksidenteng matumba ang minamanehong motorsiklo na may plakang SJ5353 at nahagip ng isang Honda RS na walang plaka at hindi huminto.

Show comments