Mison sinibak ni P-Noy

MANILA, Philippines – Matapos lumabas ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na may pananagutan si Immigration Commissioner Siegfred Mison sa apat na beses na pagtakas sa kustodiya nila ang Korean fugitive na si Cho Sendae ay agad na ito ay sinibak ni Pangulong Benigno Aquino III at agad itinalaga si Atty. Ronaldo Geron Jr.

“According to Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., President Aquino has appointed Atty. Ronaldo A. Geron, Jr. as Commissioner of the Bureau of Immigration effective 06 January 2016,” ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. kahapon.

Si Geron ay nagsilbing Deputy Executive Secretary for Finance & Administration sa Office of the President mula noong 2010.

Mahigit 20 taon na aniya si Geron sa serbisyo-publiko, kasama ang termino niya bilang provincial administrator of Batangas at miyembro ng provincial board.

Show comments