MANILA, Philippines – Minabuti ng isang 30-anyos na lalaki na sumuko sa pulisya matapos na surutin ng konsensiya at pagmumulto ng ama na kanyang napatay noong Disyembre 13, 2015 sa kanilang bahay sa Pandacan, Maynila.
Sa salaysay ni Charvi Dela Ysla, ng. 1884 President Quirino Ave., Pandacan, Maynila na napilitan siyang sumuko sa mga otoridad at piniling pagdusahan ang ginawang krimen dahil na rin sa takot at konsensiya matapos na mapatay nito ang amang si Carlito, 55 ng nasabing araw.
Ayon kay Charvi, ayaw niyang magpaawat sa ama habang nag-aaway sila ng kanyang misis kaya’t sinuntok siya nito kaya’t binaling niya ang galit sa ama at ito ay kanyang sinaksak at napatay.
Anya, mula noon ay binagabag na siya ng kanyang konsensiya dahil hindi naman niya gustong mapatay ang ama, hanggang sa magparamdam ito sa kanya bago mag-Pasko.
Nabatid na matagal na umano niya binalak na sumuko pero pinigilan siya ng kanyang ina matapos nitong maunawaan ang nangyari noong araw na mapatay niya ang kanyang tatay.
Ininquest naman, kamakalawa ng hapon ang suspek pero “release for further investigation”,ang naging ruling ng Prosecutors Office.