MANILA, Philippines – Sinabi ni independent senatorial aspirant Francis Tolentino na nakakaalarma na ang maruming hangin sa Metro Manila na nalalanghap ng tao tulad ng mga usok bunga ng firecrackers bukod pa sa mga dumi sa hangin mula sa mga polusyon.
Ayon pa kay Tolentino na isang safety advocate na kailangan ng air quality ng Metro Manila para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan dahil sa nakakaalarmang maruming hangin na nalalanghap ng mamamayan.
Noong nakaraang taon, ang air pollutant concentration sa MM ay umabot sa 130 micrograms per normal cubic meter in terms of total suspended particulates (TSP), mula sa 106 µg/Ncm noong pagtatapos ng 2014.
Ang maximum na safe level ng air pollutant concentration ay nasa 90 µg/Ncm.
Anya sa sandaling palarin siya sa senatorial race ay isusulong niya ang batas ukol sa environmental protection at pagbibigay solusyon sa polusyon.