Tatay walang pambili ng gamot sa anak,nagbigti

MANILA, Philippines – Posibleng hindi na kinaya ng isang ama ang problema sa pera matapos na magbigti dahil wala umanong pambili ng gamot sa anak na may sakit naganap kahapon sa Quezon City.

Ang nasawi ay nakila­lang si Dannie Comprado, 28, may-asawa, delivery rider, ng Block 4, Lot 8, Kingstown II, Bagumbong, Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Quisumbing,dakong alas-12:40 ng madaling araw nang madiskubre ng kinakasamang si Mary Ann Arevalo ang biktima na nakabigti sa loob ng banyo ng pinapasukang laundry shop na matatagpuan sa 126 V. Luna Extension.

Nabatid na bago ito ay lumalabas ng alas 12:30 ng madaling araw ang biktima ay nagpunta kay Mary Ann na kawani ng nasabing laundry shop para humingi ng pambili ng gamot sa maysakit nilang anak na lalaki.

Makaraan nito, nagpaalam ang biktima na gagamit ng banyo ng shop, pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi na ito lumabas dahilan para puntahan siya ni Mary Ann at alamin. Sa kabila ng pauli­t-ulit na pagkatok sa pinto ay hindi sumasagot ang biktima sanhi para buksan na ito ni Mary Ann at bumulaga sa harap niya ang nakabigting katawan ng una sa metal beam gamit ang sinturon.

Show comments