MANILA, Philippines – Dahil sa kuwestyonableng pagbabayad ng overtime services ng mga tauhan na umaabot ng P355,000 mula taong 2002 hanggang 2004 ay kinasuhan ng graft ng Ombudsman sa Sandiganbayan si MacArthur, Leyte Mayor Leonardo Leria.
Bukod kay Leria ay kasama rin sa asunto sina municipal treasurer Daisy Cana; municipal Budget Officer Arturo Zamoras; at municipal accountant Margarita Dagsa.
Sinasabing walang pondong nailaan at walang dokumento sa pagbabayad ng overtime ng mga empleyado ng naturang bayan at wala ring mga dokumento na nagpapatunay na nag-overtime ang mga empleado ng bayan tulad ng daily time record.
Sa ilalim ng DBM number 10, ang mga department heads ay hindi authorize na bigyan ng overtime pay.