69 bahay naabo
MANILA, Philippines – Umaabot sa 110 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang 69 bahay sa Barangay 56, Pericohon District sa Tacloban City, Leyte noong Biyernes ng madaling araw.
Ayon kay Barangay Chairman Cesar Advincula, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Salvacio Maurillo bago kumalat sa kalapit na kabahayan.
May mga ulat naman na ang apoy ay nagsimula matapos pumasok sa bahay ang nagliliyab na Kwites na sinasabing pumutok sa sampayan bago tinamaan ang talop na linya ng kuryente. Nabatid din na ilang fire hydrants sa nasabing barangay ay hindi gumagana kung saan naapula naman ang sunog badang alas-3 ng madaling araw.
Wala naman iniulat na namatay habang ang mga naapektuhang pamilya ay pansamantalang nasa Tacloban Astrodome at Redemptorist Church compound.
Namahagi naman ng relief goods ang The Tzu Chi Foundation habang ang Tingog Sinirangan group ay nag-feeding program kahapon. Freeman News Service
- Latest