^

Police Metro

Biktima ng ligaw na bala tumaas - PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa 42 katao ang naging biktima ng ligaw na bala sa pagpasok ng 2016.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, mula sa 17 kataong naitalang biktima ng ligaw na bala nitong Disyembre 31, 2015  ay tumaas pa ito hanggang hatinggabi ng Enero 1, 2016 na umabot sa 42 biktima.

Ang monitoring ng PNP sa Iwas Paputok /Disgrasya 2015 para sa Ligtas Paskuhan na nag-umpisa noong Disyembre 16  ng nakalipas na taon kasabay ng Simbang Gabi ay mananatili hanggang Enero 5 ng taong ito.

Ayon kay Mayor ay  pito sa mga biktima ay menor de edad kabilang ang isang 3-anyos na batang babae na unang  naiulat na tinamaan ng ligaw na bala sa tiyan  noong Disyembre 16, 2015 sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Sa kaso ng indiscriminate firing ay nakapagtala ang PNP ng walong sangkot dito kabilang ang anim na sibil­yan, isang pulis at isang security guard.

 

ACIRC

ANG

AYON

DISGRASYA

DISYEMBRE

ENERO

IWAS PAPUTOK

LIGTAS PASKUHAN

SIMBANG GABI

SPOKESMAN CHIEF SUPT

WILBEN MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with