^

Police Metro

Gun ban ipapatupad na ng Comelec

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipatutupad na ng Commission on Elections (Come­lec) sa Enero 10 na siyang election period ang gun ban sa bansa  para sa nalalapit na May 9 national and local elections.

Batay sa inisyung Resolution No. 10029, nakasaad ang guidelines na susundin ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay ng mga ito ng Comelec checkpoint para sa gun ban.

Ang mga checkpoint ay dapat na maliwanag, kaagad na makikilala at binabantayan ng mga unipormadong personnel.

Sa paglapit, dapat na maging magalang ang team sa mga motorista at respetuhin ang lahat ng karapatan ng mga ito.

Mahigpit rin na ipinagbabawal ng Comelec sa mga otoridad na pababain ng behikulo ang mga motorista at pinaalalahanan ang mga ito na tanging visual search lamang ang maaari nilang gawin sa behikulo.

Maaari namang gumamit ang mga ito ng flashlight sa pagse-search ngunit hindi na kailangan pang buksan ang pintuan ng sasakyan.

Pinaalalahanan rin ng Comelec ang mga otoridad sa Constitutional Rights na walang sinumang tao ang dapat isailalim sa physical o body search nang walang sapat na rason.

Ang pagtatayo ng isa o higit pang checkpoint sa mga istratehikong lugar sa bawat munisipalidad o lungsod ay bahagi ng gun ban na magtatagal hanggang Hunyo 8 lamang.

 

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATAY

COMELEC

CONSTITUTIONAL RIGHTS

ENERO

HUNYO

MGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RESOLUTION NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with