^

Police Metro

11 tumba sa bakbakan sa Sulu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaabot sa 10 mi­yembro ng ekstremistang Abu Sayyaf Group at isang Army officer  ang napaslang habang 21 naman ang nasugatan kabilang ang anim na sundalo sa panibagong engkuwentro sa Barangay Buhanginan, bayan ng Patikul, Sulu noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang napatay na opisyal na si 2nd Lt. Ronald Detalla habang ang mga sugatang isinugod sa pagamutan ay sina Captain Edmar Samonte, Pfc Ernie De Guzman, Staff Sgt. Wilson Fon­tanil, Pfc Joemar Andrez, Pfc Dennis Desambrana, Pfc Alberto Dinio at si Sgt. Arturo Andama.

Ayon kay Major Filemon Tan, spokesman ng AFP-Western Min­danao Command, dakong alas- 4:15 ng hapon nang magsimula ang bakbakan sa pagitan ng 1st Scout Ranger Battalion  at grupo ng Abu Sayyaf.

Nabatid na ginagalugad ng tropa ng militar ang kagubatan sa Barangay Buhanginan nang makasagupa ang mga armadong Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ni Abu Kumander Hajan Sa­wadjaan.

Ang operasyon ay naglalayong sagipin ang nalalabi pang hostages kabilang ang ilang dayuhan.

Pasado alas-8 na ng gabi ay patuloy pa rin ang palitan ng putok ng magkalabang panig hanggang sa magsiatras ang mga kalaban.

Ang mga nasugatang sundalo ay unang dinala sa Kuta Teodulfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu bago ini-airlift na kahapon ng umaga patungo sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City.

Samantala, sampu naman terorista ang napatay at 15 naman malubhang nasugatan, ayon pa sa opisyal base sa impormasyon ng intelligence assets.

Nagpapatuloy ang clearing operation ng militar sa encounter site kung saan tugis din ang grupo ng Sayyaf.

ABU KUMANDER HAJAN SA

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ANG

ARTURO ANDAMA

BARANGAY BUHANGINAN

CAMP NAVARRO HOSPITAL

CAPTAIN EDMAR SAMONTE

KUTA TEODULFO BAUTISTA HOSPITAL

MAJOR FILEMON TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with