^

Police Metro

Rider todas sa bus

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na lalaki nang sumalpok sa kasalubong na bus matapos mag-overtake sa isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Rodel Ymas, ng No. 48-A Tandang Sora, Sangandaan, Quezon City.

Habang nadakip ang bus driver na si Edward Cresencio, 47, may-asawa, residente ng No. 117 Zabarte Road, Camarin, Caloocan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:01 ng madaling araw ay binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Zabarte Road habang minamaneho ang Honda XRM (NI 3393) patungong Quezon City.

Tinangka nitong lagpasan ang nasa unahang pampasaherong jeep, subalit huli na dahil nakasalubong nito ang mabilis na Nova Transport Inc. (UVJ 594) na minamaneho ni Cresencio at nabundol sanhi upang tumilapon si Ymas at bumagsak sa kalsada.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong sa reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

A TANDANG SORA

ANG

BATAY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CRESENCIO

EDWARD CRESENCIO

NOVA TRANSPORT INC

QUEZON CITY

RODEL YMAS

ZABARTE ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with