Commando Gang, itinumba

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang dahil sa atraso sa sindikato ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang isang lalaki na miyembro ng Commando Gang, kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Nagtamo ng tama ng bala sa may panga ang biktimang nasa edad 25-30, may taas na 5’4” talampakan, naka-gray na kamiseta, maong shorts, may tattoo na “Enrique Gatdula” at “Commando” sa likuran.

Sa ulat ng pulisya, nakatayo at mistulang may hinihintay ang biktima sa panulukan ng Malolos A­venue at Konsehala Alley sa Brgy. 154, Bagong Barrio nang dumating ang mga hindi kilalang kalalakihan.

Nakipag-usap pa ang biktima hanggang sa barilin na ito saka tumakas ang gunmen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments