MANILA, Philippines – Magpapatupad ng panibagong bawas presyo ng produkto ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw sa pagsalubong sa Bagong Taon
Pinangunahan ng Pilipinas Shell ang rollback, kung saan bumaba ng P 0.60 kada litro ng gasoline habang P 0.40 naman kada litro sa kerosene at P 0.20 kada litro sa diesel.
Ayon kay Ina Soriano ng Pilipinas Shell ang rollback sa presyo ng mga produkto ay epektibo ngayong umaga.
Bunsod aniya ito ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Inaasahang magpapatupad na rin ng bawas presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies na sa kahalintulad na halaga.
Matatandaan na noong Disyembre 15 ay huling nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang mga produkto ang ilang oil companies.
Nabatid na ang panibagong oil price rollback ay magandang balita para sa pagsalubong ng Bagong Taon sa mga motorista.