^

Police Metro

Surigao del Norte niyanig ng lindol

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Caraga Region kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs), naitala ang pagyanig sa may 30 kilo­metrong layo sa karagatan ng hilagang silangan ng San Isidro, Surigao del Norte bandang alas-6:11 ng umaga.

Samantala, naramdaman naman ang intensity 4 sa mga bayan ng San Isidro, Burgos at Santa Monica sa Surigado del Norte; Intensity 3 sa Surigao City, at Intensity 2 sa bayan ng Loreto, Dinagat Province; mga bayan ng Mainit at Socorro sa Surigao del Norte.

Kaugnay nito, naitala rin ang mga instrumental Intensities tulad ng Intensity 3 sa Surigao City.

Wala namang inasa­hang nawasak na ari-arian subalit may posibilidad na magkaroon ng mga aftershock.

Nabatid na alas 4:04 ng madaling araw nang unang yanigin ng magnitude 3.2 lindol ang timog kanluran sa bayan ng San Isidro, Surigao del Norte.

ACIRC

BURGOS

CARAGA REGION

DINAGAT PROVINCE

KAUGNAY

NORTE

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SAN ISIDRO

SANTA MONICA

SURIGAO

SURIGAO CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with