Paskong sunog sa Tondo:10 bahay naabo

MANILA, Philippines – Napalitan ng kasiyahan ang araw ng Pasko sa mga residente sa Tondo, Maynila matapos na masunog ang nasa 10 kabahayan kahapon ng hapon sa Brgy. 94, District 1.

Batay sa ulat, dakong ala-1:33 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Boy Reyes sa nasabing lugar.

Dahil gawa lamang sa kahoy ay mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang mga katabing 9 kabahayan.

Mabilis na nagresponde ang mga bumbero at halos 30 minuto bago naapula ang sunog.

Tinatayang nasa P200,000 ang napinsalang ari-arian.

Show comments