MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na dalawa katao na ang naitatalang biktima ng ligaw na bala kabilang ang isang 3 anyos na batang babae.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, kabilang sa biktima ay sina Henio Calsum, ng Brgy. Sirawai, Sirawai Zamboanga del Norte na tinamaan ng ligaw na bala sa kaniyang tiyan sa pagsisimula ng Simbang Gabi noong Disyembre 16 , 2015.
Ang 50-anyos na si Hawali Hanapi ng Tulungatong, Zamboanga City na nagtamo naman ng tama ng bala sa hita noong Disyembre 20 ng taong ito.
Ayon kay Mayor, dalawang sibilyan naman ang nasakote sa kasong illegal discharge of firearms habang sampung katao ang nasakote sa pag-iingat ng mga bawal na paputok na mahigpit na tinututukan ng PNP.
Kabilang naman sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang mother rockets, judas belt, super bawang, goodbye Philippines, Binladen at iba pa.
Ipinagbabawal din ang watusi, piccolo, boga at pillbox na nakalalason lalo na sa mga bata.