^

Police Metro

Poe aalisin sa balota ng Comelec kapag...

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posibleng matanggal ang pangalan ni Senator Grace Poe sa balota, isa sa mga kandidato  sa pagkapangulo sa  May 2016 elections kung mabibigo ang  kampo nito na makakuha ng temporary restraining order  mula sa Supreme Court.

Ito ang inihayag ni  Commission on Elections  (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil batay sa Comelec rules ay kailangan na makakuha ng  TRO ang  kampo ni  Poe sa loob ng limang araw matapos ang  paghahain ng  petisyon sa  SC.

Kinuwestiyon naman ni Atty. George  Garcia, legal counsel ni Poe ang paglalabas ng de­sisyon kung saan itinaon ito ng  Pasko dahil maisasampa lamang nila ang kanilang apela sa Lunes.

Idudulog  ng kampo ni Poe sa SC ang kanilang  apela sa disqualification cases matapos na ibasura ng Comelec ang  motions for reconsideration na inihain ng senador na   baligtarin ang  desisyon ng  first at second division ng Comelec na nagkakasela ng certificate of candidacy (COC)  nito sa pagkapa­ngulo.

Limang miyembro ng en banc ang bumoto upang ibasura ang MR nito habang dalawa naman  ang  nagbigay ng dissenting opinion.

Kabilang sa mga dissented ay sina Comelec Chairman Andres Bautista at Commissioner Christian Robert Lim.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo nina Atty. Estrella Elamparo, dating senator Kit Tatad, dean Amado Valdez at professor Antonio Contreras.

Sa diskuwalipikasyon naman   sa second division na  inihain ni Elamparo, dissented din si Bautista habang limang commissioner naman ang  bumoto laban sa kahilingan ni  Poe at nag-inhibit si Lim.

Ang final list  ng mga kandidato ay malalaman sa  Enero 18 hanggang  20, habang ang  pag-imprenta ng mga balota ay gagawin sa Enero 26 at hindi na maaaring magdagdag ng pangalan ng kandidato sa sandaling maaprubahan  ng Comelec en banc ang  balota.

ACIRC

AMADO VALDEZ

ANG

ANTONIO CONTRERAS

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM

COMMISSIONER ROWENA GUANZON

ENERO

ESTRELLA ELAMPARO

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with