MANILA, Philippines - Sa ikasiyam na pagsasagawa ng Oplan Galugad Operation ng raiding team ng Bureau of Correction sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ay muling nakakumpiska ng mga kontrabando na dati nang nakumpiska.
Sinabi nina BuCor Director Retired General Ricardo Rainier Cruz III; at NBP Supt.Richard Schwarzkopf na nagsagawa sila ng pangsiyam na Oplan Galugad Operation sa medium security compound, Camp Sampaguita.
Nakasamsam sila ng appliances, electronic gadgets, mga patalim at drug paraphernalias mula sa ilang selda ng mga preso at bisinidad nito tulad sa hardin at visiting halls.
Ang nakumpiskang mga kontrabando tulad ng appliances ay hiniram umano ng mga preso sa ilang BuCor personnel.
Nakatakdang imbestigahan ang pamunuan ng BuCor ang mga kawani kung sino ang nagpapahiram sa mga appliances na una nang nakumpiska.