MANILA, Philippines - Nagsagawang muli sa pangalawang pagkakataon bilang maagang pamasko ang power distributor sa Olongapo City na Olongapo Electricity Distribution Co., Inc. (OEDC) at ang San Miguel Energy Corporation (SBEC) sa pangunguna ni OEDC President Jose Maria Abaya sa mga residente ng lungsod na ginanap sa Rizal Triangle dito.
Ayon kay OEDC Community Relation Officer Dorothy Ednalino-Agarin, ang nabanggit na pamasko ng dalawang kumpanya ay para sa Olongapeño” na naglalayong magkaloob ng libreng medical, dental services, ECG, X-ray at pamamahagi ng ibat ibang klase ng bitamina at gamot na naayon sa reseta na ibibigay sa kanila ng mga doctor na dala ng dalawang kompanya para sa nangangailangang mga pasyente.
Ang OEDC ay ang suplayer ng kuryente sa lungsod na nagsimula ng operasyon may dalawang taon na ang nakakalipas at nakapagsagawa na ng kinakailangang rehabilitasyon sa buong sistema ng kuryente sa lungsod.