MANILA, Philippines - Mahigit 200 mga tangke, truck, eroplano at iba pang military assets o kagamitang pandigma ang ipinarada at ipinamalas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kakayahan kaugnay ng patuloy na pagsulong ng modernization program sa paggunita sa ika-80 taon nitong anibersaryo na ginanap sa Clark Air Base, Pampanga kahapon na dinaluhan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III bilang panauhing pandangal.
Pinasalamatan ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri si P-Noy sa buong suporta nito sa capability upgrade program na isinakatuparan sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Anya, malaki ang maitutulong ng nasabing mga military assets para higit pang maging inspirado ang nasa 125,000 malakas na puwersa ng AFP sa pagtupad ng kanilang misyon lalo na para sa ikatatamo ng kapayapaan sa bansa.