MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng limang notoryus shoplifter makaraang masakote sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.
Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina BJ Estrera, 26, ng Brgy. Tatalon; Joey Rose Barroga, 31; Chris del Rosario, 32, kapwa taga Sampaloc Manila; Lio Francis Pasco, 21, guro, ng Brgy. Batasan Hills; at si Marlon Sabrito, 33, ng Brgy. Pinyahan sa Quezon City.
Base sa police report, nadakip si Estrera matapos tangayin nito ang mga pabango sa Bench Botique sa Fishermall sa Brgy. Sta. Cruz.
Samantala, sina Barroga at del Rosario naman ay naaresto sa mall sa Cubao matapos na makumpiskahn ng assorted merchandize habang si Pasco naman ay naaresto sa supermarket din sa Cubao makaraang itakas ang assorted merchandize mula 1st floor ng mall.
Si Sabrito naman ay inaresto matapos na sikwatin ang dalawang powerbank, BT speaker at isang PC sling bag sa Korean Exquisite Lifestyle sa 3rd floor ng Farmers Plaza sa Araneta Avenue, Cubao.