Gagamit ng baril at bawal na paputok, aarestuhin
MANILA, Philippines – Aarestuhin at kakasuhan ang sinumang mahuhuling nagsagawa ng indiscriminate firing at paggamit ng malalakas na uri ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ang babala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Joel Pagdilao matapos na pangunahan nito ang pagseselyo ng mga armas ng mga pulis sa NCRPO upang matiyak na hindi ito magagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Maging ang publiko ay binalaan rin laban sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics upang maiwasang makadisgrasya lalo na ng buhay.
Tiniyak pa ni Pagdilao na 24/7 ang isinasagawang pagbabantay ng mga pulis upang tiyakin na magiging ligtas ang mamamayan laban sa kriminalidad at kapahamakan.
- Latest