8 naaresto sa droga

MANILA, Philippines – Walong katao ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang drug operations sa tatlong magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat kamakalawa.

Kinilala ni Sultan Kudarat Police Provincial Office Public Information officer P/Supt. Renante Cabico ang mga suspek  na sina Bryan Tabpig; Brando Tabpig; Denver Tubongbanwa; Andrew Tubongbanwa; Mustafa Mindo; at mag-asawang Nords at Monera Casamorin, at Nasser at Noraida Rora.

Bukod sa 52 sachet ng shabu ay nasamsam din ang 12 baril.

Ang mga suspek ay nakatakdang kasuhan sa paglabag sa illegal drugs at possesion of firearms.

Show comments