MANILA, Philippines – Dapat ilibre na sa customs duties ang mga padala o pasalubong ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ang iginiit ni Senador Ferdinand “Bongbong R. Marcos batay sa Section 2 ng Senate Bill No. 3033, o ang “Duty-Free Padala/Pasalubong Act of 2015”.
Ang padala o pasalubong ay mga bagay na hindi ipinagbabawal ng batas na ipinapadala sa pamamagitan ng courier, postal service o mismong bagahe ng mga OFW para sa personal na gamit ng kanyang pagbibigyan dito sa Pilipinas at hindi para ikalakal o ibenta.