MANILA, Philippines – Nanawagan si UNA presidential candidate Vice President Jejomar Binay sa kanyang mga kalaban sa pulitika na isantabi muna ang mga gawaing paninira laban sa kapwa mga kandidato bilang pakikiisa sa diwa ng Kapaskuhan.
Aniya, kung ang New People’s Army at militar ay may tigil-putukan baka pwede rin pairalin ang tigil-bangayan (tigil-putakan).
Dagdag pa ni Binay na wala naman umano siyang pinapatungkulan na kandidato sa kanyang panawagan.
Sinabi ni Binay sa isang radio interview sa General Santos City na sa palagay niya ay magtutuloy-tuloy pa ang paninira sa kanya hanggang Enero.
Nasa General Santos City si Binay para dumalo sa 37th birthday celebration ni Rep. Manny Pacquiao noong December 17.
Balak din ni Binay na dalawin ang mga nasalanta ng bagyomg Nona sa Samar at iba pang lugar.