MANILA, Philippines – Naglakas loob nang magsumbong ang isang 13-anyos na dalagita sa kanyang ina laban sa kanilang kapitbahay na nanghalay sa kanya sa ikatlong pagkakataon sa loob ng kanilang bahay sa San Andres Bukid, Maynila.
Ang suspek na dinakip at nakakulong na ngayon sa Manila Police District-Children and Women and Children Protection Unit (MPD-WCPU) ay kinilalang si Albert Morillo, 27, jobless at residente ng no. 1664 Onyx St., San Andres, Bukid.
Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Jenny, Grade VII na siya ay hinalay ng suspek noong Disyembre 15 dakong alas-9:00 ng gabi.
Mahimbing umanong natutulog ang biktima sa kaniyang silid nang magising ito dahil sa panghihipo ng suspek sa kaniyang maseselang bahagi ng katawan at nang magmulat ay nasa harap niya ang suspek at hinalay siya. Nang nakaalis na ang suspek ay nagsumbong na sa ina ang biktima na nagsumbong naman sa mga pulis at dinakip ang una.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay pangatlong beses nang ginahasa ng suspek na ang una ay noong Nobyembre 23, ng umaga na nagkunwaring hihiram ng cellphone charger, subalit pinasok siya sa kuwarto at doon isinagawa ang pang-aabuso.
Ang ikalawang pagkakataon naman ay naganap noong Disyembre 8, dakong alas-6:00 ng umaga at hindi rin nagawang manlaban ng dalagita dahil muli siyang pinagbantaan na papatayin at ang kanyang ina.