^

Police Metro

Empleyada pinatay ng 4 helper na sinibak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinaksak ng isang sinibak na helper na la­laki na ang isang babaeng checker  na umano’y nagpatanggal sa kanila naganap kamakalawa sa Valenzuela City.

Idineklarang dead-on- arrival sa Valenzuela City Medical Center dahil sa tama ng saksak sa dibdib at sikmura ang 43-anyos na si Marites Valdeztamor, stay-in checker ng VKB Bone Trading na nasa Phase 2, Pearl Island Compound, Brgy. Punturin, ng lungsod.

Ang mga tumakas na suspek ay kinilalang sina Rex Valentino, 20; Arnold Beno, 20; Rimark Calasag, 19; at isang alyas “Terry”, pawang mga helper sa naturang kumpanya.

Bago ang pagpatay sa biktima dakong alas-9:30 ng umaga ay sinibak sa kanilang trabaho ang apat na suspek dahil sa sari-saring kapalpakan sa tungkulin at pangit na rekord. 

Nilapitan ng mga ito ang biktima at sa  halip na magpaalam ay nagbunot ng patalim si Valentino at sinaksak ang biktima sa dibdib at sikmura habang nagsilbing lookout ang tatlo.

Nabatid na may kinikimkim na galit umano ang apat na suspek sa biktima dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanila at hinala na ito rin ang nagrekomenda para sila ay masibak sa trabaho.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARNOLD BENO

BONE TRADING

BRGY

MARITES VALDEZTAMOR

PEARL ISLAND COMPOUND

REX VALENTINO

RIMARK CALASAG

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with