2 lalaki nagsuntukan, nahulog sa ika-10 palapag ng gusali

MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang dalawang binata matapos mahulog mula sa ika-10 palapag ng gusali nang aksidenteng madiinan ang depektibong pintuan ng elevator habang  nagsusuntukan kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina John Lorenz Besmonte 19, massage therapist, ng Unit No. 1104 Central Park Condo II; at Ronald Marga, 21, stay-in elevator operator sa naturang condominium.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:00 ng mada­ling araw sa ika-10 palapag ng naturang condominium ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa suntukan.

Habang nagsusuntukan ang dalawa ay nadiinan ng mga ito ang pintuan ng depek­tibong elevator.

Bumukas ito at nahulog ang dalawa at bumagsak sa basement na naging dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Show comments