MANILA, Philippines – Dinaluhan ng may 15,000 kababaihan sa Quezon City tulad ng mga single mother, day care center teachers, barangay officials, street sweepers at iba pa ang proyekto ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na tinawag na Kababaihan Bida sa QC sa tulong ni House Speaker Sonny Belmonte.
Sa ilalim ng proyekto ay ipinapakita rito ang lakas ng mga kababaihan at naiprisinta ang mga usaping pangkababaihan para sa mga susunod na magiging pinuno ng bansa.
Dinaluhan ang pagtitipon nina Liberal Party presidential bet Mar Roxas, Vice Presidential bet Leni Robredo, Senatorial bet Leila de Lima at iba pa.
Hinikayat ni VM Belmonte ang kababaihan na mangarap sa mapayapa at lipunang ligtas lalo na sa mga kabataan. Magkaroon ng sapat at abot kayang oportunidad para sa masustansiyang pagkain, disenteng pabahay, mataas na antas ng edukasyon at mabilis at akmang serbisyong pangkalusugan.
Bukod dito ay magkaraoon ng pantay-pantay na pagtrato sa mga kababaihan at kalalakihan maging sa trabaho, sa pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima ng karahasan at kaligtasan sa mga kababaihan at kabataan.