MANILA, Philippines – Pursigido si Manila Vice Mayor Isko Moreno na pag-iibayuhin pa ang kanyang laban sa pagkasenador matapos makuha ang ika-13 puwesto sa latest Pulse Asia Survey.
Nagpapasalamat si Isko sa mga nagtitiwala sa kanyang kakayahan kahit bagito lamang siya sa senatorial race sa nakuhang ika-13 puwesto sa latest Pulse Asia Survey (Nov. 8-15).
Bagama’t aminado si Moreno na posibleng bumaba ang kanyang rating sa sandaling gamitin niya ang apelyidong Domagoso (Francisco Domagoso sa tunay na buhay) ay ikinatuwa naman nito ang pagtaas ng kanyang satisfaction rating na 30.4% na sapat upang makuha niya ang 13th place.
“Malaking karangalan po sa isang katulad ko na hindi galing sa isang sikat o kilalang pamilya na mapasama sa tinatawag nilang winning circle pero malayo pa po ang biyahe at kahit masikip ang daan, ako ay patuloy na naniniwala na darating ang panahon na mabibigyan din ng pagkakataon ang mga katulad ko na makapag lingkod sa ating bayan,” ani Moreno.