^

Police Metro

Petisyon ibinasura ng SC... ‘No Bio, No Boto’ tuloy na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos na ideklarang ‘dissolved’ ng Korte Suprema sa inilabas na temporary restraining order na kanilang inisyu  noong Disyembre 1 batay sa petisyon ng  Kabataan partylist ay tuloy  ang  ‘No Bio, No Boto’ policy ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa SC, ibinasura nila ang petition ng Kabataan partylist dahil na rin sa lack of merit at mas pinaboran ang argumento ng Comelec na nagsasabing  ang layunin ng ‘No Bio, No Boto’  ay ang  pagkilala sa “qualification” at “registration”  sa halalan upang makaboto.

Paliwanag ng  SC, maganda ang naging layunin ng  Comelec na linisin ang  national voter re­gistry  kung saan nangyayari ang dayaan ay posibleng magdulot ng  masamang  epekto sa bansa.

Ayon naman sa Kabataan partylist, umaabot pa rin sa 3,599,906 ang bilang ng mga hindi nakapagparehistro sa kabila ng implemetasyon ng  “No Bio, No Boto” hanggang September 30, 2015.

Ikinatuwa naman ni Comelec Chairman Andres Bautista ang desisyon ng SC sa pagsasabing tuluy-tuloy na ang pagsasapinal ng listahan ng mga  botante  at project ng mga  precincts.

Una nang nagpahayag ng pangamba ang Comelec na posibleng ma-postpone ang May 9, 2016 election kung hindi aalisin ng  SC ang  TRO sa “No Bio, No Boto” policy.

ACIRC

ANG

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

DISYEMBRE

KABATAAN

KORTE SUPREMA

NBSP

NO BIO

NO BOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with