^

Police Metro

33 nasugatan... 15 Abu, 3 sundalo todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Labinlimang mi­yembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at tatlong sundalo ang nasawi  habang 33 ang nasugatan kabilang ang sampu sa tropa ng pamahalaan sa naganap na sagupaan sa kagubatan ng Brgy. Macalang, Al Barka, Basilan, kamakalawa.

Sa ulat na natanggap ni Major Felimon Tan, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, halos tumagal ng buong araw ng Martes ang sagupaan ng tropa ng militar sa tinatayang 50-80 bandidong Abu Sayyaf sa nasabing lugar na nag-umpisa dakong alas-5:00 ng umaga.

Umpisa pa noong linggo ay ginalugad na  ng tropa ng pamahalaan ang kagubatan ng Basilan alinsunod sa malawakang opensiba na ipinag-utos ni Pa­ngulong Benigno Aquino III upang durugin ang nalalabi pang mga bandido na namumugad sa Sulu at Basilan.

Habang ginagalugad ng tropang gobyerno ang kagubatan ng Basilan ay natisod ang isang kampo ng mga bandido na nauwi sa umaatikabong bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig.

“Ang nakasagupa ng Joint Task Group (JTG) Basilan ay sangkot sa samut-saring paghahasik ng terorismo sa lalawigan”, wika ni Major Chris Mugot, Spokesman ng Joint Task Force ZAMBASULTA (Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi -Tawi).

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang opensiba ng tropa ng pamahalaan sa mga bandido.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

AL BARKA

ANG

BASILAN

BENIGNO AQUINO

HABANG

JOINT TASK FORCE

JOINT TASK GROUP

MAJOR CHRIS MUGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with