Matinding problema sa global warming labanan
MANILA, Philippines - Aprubahan na ang 1.5 degrees gas emissions upang malabanan ang lumalalang global warming.
Ito ang naging panawagan ni senatoriable Atty. Francis Tolentino sa mga pinuno ng bansa sa mundo dahil sa nauubusan na ng oras at ang paiba-ibang kondisyon ng panahon ay tanda na dapat nang magkaisa ang lahat ng bansa mayaman man o mahirap kung ayaw magsisi sa huli.
Sinabi ng dating Metropolitan Manila Development Authority chairman na kabilang siya sa nagulat nang malaman na ang pagkatunaw ng mga glaciers o higanteng mga yelo ay dahilan ng pagbagal ng pag-inog ng mundo.
Iginiit nito na kailangan ang ibayong pagtutulungan ng mga bansa para malabanan ang climate change.
“Kahit pumayag tayo na babaan ang gas emissions, kung yung mga kalapit naman nating bansa like India, China na nagdedevelop, walang mangyayari sa final agreement. Dahil dinadalang hangin ang polusyon kahit sa ibang bansa,” wika nito.
May mga ulat din na tumaas na ng “one degree celsius” ang temparatura ng mundo mula nitong ika-19 siglo at target ngayon na huwag nang tumaas ito ng higit sa 2 degree Celsius.
Umaasa si Tolentino na mabibigyan ng subsidiya ng mga mayayamang bansa ang mga “third world country” tulad ng Pilipinas upang malabanan ang matinding epekto ng climate change.
- Latest