MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pangungulila sa misis ang isa sa motibo kaya ang-suicide ang 40-anyos na mister matapos itong magbigti sa kanyang inuupahang apartment sa Barangay Tanauan, bayan ng Bustos, Bulacan kahapon.
Matigas na ang katawan nang matagpuan ang biktimang si Michael Concepcion ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jereland Salinas, dakong alas-7 ng umaga nang mapagawi ang kapitbahay na si Nelson sa harapan ng apartment kung saan may kakaibang amoy na nagmumula sa nirerentahan apartment ng biktima.
Kaagad na siniyasat ni Nelson ang paligid at nang buksan ang bintana ay bumulaga ang biktima na nakabitin sa pintuan ng bahay.
Kaagad na ipinaalam ni Nelson sa may-ari ng apartment at ipinabot naman sa pulisya.
Tumanggi naman ang mga kaanak ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay nito kaya lumagda na lamang sa waiver na nagpapatunay na nagpatiwakal ang lalaki.
Huling namataang buhay ang biktima na naging malulungkutin dahil sa pangungulila sa sariling asawa na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW.