Tumatakbong konsehal... LP bet utas sa ambush

Batay sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi ay kagagaling lang sa sabungan ang biktima at papasok na ang kanilang sasakyan sa compound ng kanilang bahay sa Brgy. Poblacion Uno ng bayang ito nang biglang sumulpot ang salarin at pagbabarilin at tinamaan ang biktima. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Isang negosyante na kandidatong konsehal ng Liberal Party (LP) ang pinagbabaril ng hindi pa nakilalang gunman kamakalawa ng gabi sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa mukha at likuran ay kinilalang si Domingo Isip. Habang nakaligtas ang driver nitong si Joel Caballero.

Batay sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi ay kagagaling lang sa sabungan ang biktima at papasok na ang kanilang sasakyan sa compound ng kanilang bahay sa Brgy. Poblacion Uno ng bayang ito nang biglang sumulpot ang salarin at pagbabarilin at tinamaan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek na sumakay sa naghihintay na motorsiklo.

Kabilang naman sa anggulong sinisilip ng mga otoridad sa motibo ng krimen ay pulitika at alitan sa negosyo.

Show comments