MANILA, Philippines – Itinumba ang 36-anyos na katiwala matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang natutulog sa compound ng punerarya sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.
Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Divino Jimenez, kawani ng R. De Castro Funeral Homes, at nakatira sa #2643 Lico Street sa Tondo, Maynila.
Ayon kay PO3 dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, apat na kasamahan sa trabaho ang kasamang natutulog ng biktima at kalive-in nitong si Vanessa nang maganap ang pamamaril sa receiving area sa compound ng nasabing punerarya bandang alauna ng madaling araw.
Namataan naman ang dalawang gunmen na papatakas na lulan ng traysikel habang patuloy naman ang imbestigasyon.