MANILA, Philippines – Matapos ang apat na taong pagdinig, hinatulan kahapon ng Sandiganbayan na makulong ng 10-taon si dating Pasay City Mayor Wenceslao “Pewee”Trinidad matapos mapatunayang nagkasala sa kasong graft.
Kasamang akusado ni Trinidad si dating Pasay City Councilor Jose Antonio Roxas.
Bukod sa 10-taong kulong, pinatawan din ng apat na buwang kulong sina Trinidad at Roxas matapos mapatunayang guilty din dahil sa pagpapalawig ng official duties sa ilalim ng Article 237 ng Revised Penal Code. Pinagbabawalan na rin ng batas ang mga akusado na magtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
Base sa rekord, noong February 2004, sina Trinidad at Roxas na mga miyembro ng Pre-qualification Bids and Awards Committee (PBAC) ay nag-award ng P489.95 million-contract para sa pagtatayo ng city mall at public market sa Izumo Contractors, Inc. kahit wala silang otoridad para dito.
Sinasabing ang bagong BAC ay nilikha noong December 2003 alinsunod sa Government Procurement Reform Act.
“Trinidad liable “when they reconvened the PBAC and conducted the public bidding for the construction project” despite “the full knowledge that the PBAC already ceased to exist having been superseded by the creation of a new BAC,” ayon sa graft court.
Nilinaw din ng Sandiganbayan na ang invitation to bid na inisyu ni Trinidad noong October 3, 2003 ay “void at invalid dahil sa kawalan ng approved appropriation at pondo sa proyekto.
“Conspiracy existed by and between Trinidad, chairman of the PBAC and the PBAC members who participated in the subject bidding were Roxas, Joselito Manabat and Alexander Ramos.”
Sa paglabag sa Article 237 ng RPC, sinasabing ang mga akusado ay nagpalawak ng kanilang tungkulin bilang chairman at miyembro ng nabuwag na PBAC” It pointed out that the BAC created by Trinidad “automatically assumed the powers and duties of the PBAC” under the Government Procurement Reform Act.” ayon pa sa graft court.
Sina Joselito Manabat at Alexander Ramos ay nananatiling nakalalaya.