^

Police Metro

10-taong kulong kay ex-Pasay Mayor Trinidad

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos ang apat na taong pagdinig, hinatulan kahapon ng Sandiganbayan na makulong ng 10-taon si dating Pasay City Mayor Wenceslao “Pewee”Trinidad  matapos  mapatunayang nagkasala sa kasong graft.

Kasamang akusado ni Trinidad si dating Pasay City Councilor Jose Antonio Roxas.

Bukod sa 10-taong kulong, pinatawan din ng apat na buwang kulong sina Trinidad at Roxas matapos mapatunayang guilty din dahil sa pagpapalawig ng official duties sa ilalim ng Article 237 ng  Revised Penal Code. Pinagbabawalan na rin ng batas ang mga akusado na magtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Base sa  rekord, noong February 2004, sina Trinidad at Roxas na mga mi­yembro ng Pre-qualification Bids and Awards Committee (PBAC) ay nag-award ng P489.95 million-contract para sa pagtatayo ng  city mall at public market sa Izumo Contractors, Inc. kahit wala silang otoridad para dito.

Sinasabing ang bagong BAC ay nilikha noong  December 2003 alinsunod sa Government Procurement Reform Act.

“Trinidad liable “when they reconvened the PBAC and conducted the public bidding for the construction project” despite “the full knowledge that the PBAC already ceased to exist having been superseded by the creation of a new BAC,” ayon sa graft court.

Nilinaw din ng  Sandiganbayan  na ang invitation to bid  na inisyu ni Trinidad noong October 3, 2003 ay  “void at invalid dahil sa kawalan ng  approved appropriation at pondo sa proyekto.

“Conspiracy existed by and between Trinidad, chairman of the PBAC and the PBAC members who participated in the subject bidding were  Roxas, Joselito Manabat and Alexander Ramos.”

Sa paglabag sa Article 237 ng RPC, sinasabing ang mga akusado ay nagpalawak ng kanilang tungkulin bilang chairman at miyembro ng nabuwag na PBAC” It pointed out that the BAC created by Trinidad “automatically assumed the powers and duties of the PBAC” under the Government Procurement Reform Act.” ayon pa sa graft court.

Sina Joselito Manabat at Alexander Ramos ay nana­natiling nakalalaya.

ACIRC

ALEXANDER RAMOS

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

GOVERNMENT PROCUREMENT REFORM ACT

IZUMO CONTRACTORS

JOSELITO MANABAT AND ALEXANDER RAMOS

NBSP

PASAY CITY COUNCILOR JOSE ANTONIO ROXAS

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

ROXAS

TRINIDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with